Friday, March 25, 2005

kapayapaan noong wala panh kaunlara....

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...
>
>
> Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
> Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay,
> kung meron, gumamela lang;
>
> 10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
>
> Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
>
> Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay
> Maestro/a:
> Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
>
> Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa
> tumana;
>
>
> Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya
> malaking
> kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
>
> Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang
> mga
> anak...
>
> Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala
> namang
> lock ang mga jeep na Willy's noon.
>
> Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan
> (gawa sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga gulong,
> "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong
> pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas
> sa
> gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan); sumpak,
> pilatok, boca-boca, borador, atbp.
>
> Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga
> iyon.
>
> Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,
> tatsing
> ng lata, pera namin ay kaha ng Philip
> Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!)
>
> May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi,
> nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging
> dahil sa
> kulugo;
>
> Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
> Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa
> lupa.
>
>
> Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology... di
> ba
> minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
>
> Sana pwedeng maibalik...
>
> Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
> maraming addict at masasamang loob... Noon takot lang tayo sa ating
> mga
> magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala
> nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara... Na una silang
> nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
>
> Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
> Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
> Noong wala pang mga drugs at malls.
> Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
> Tayo noon... Doon...
>
> Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang
> buwan;
> Ang pagtatakip mo ng mata pero
> nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
> "Mga
> Aninong Gumagalaw"
>
> Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin,
> kasi
> wala namang calculator.
> Abacus lang ang meron tayo...
>
> Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo; lundagan sa
> kama;
> Pagtikwas o pagtitimba sa poso;
> pingga ang pang-igib ng lalake at may dikin naman ang ulo ng babae;
>
> Inaasbaran ng mga suberbiyo ang usansiya; Nginig na tayo pag lumabas
> na
> ang yantok-mindoro o buntot-page.
>
> Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para
> hindi
> masakit ang tsinelas o sinturon?
>
> Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman,
> bahay-bahayan na puro kahon; naglako
> ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
>
> Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang
> sumakit
> ang tiyan;
>
> Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ng lukaok,
> susuwi
> at espada?
>
> Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata... Estigo
> santo
> kapag nagmamano.
>
> Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at sa
> "kapre";
> Tuwang-tuwa kami pag
> tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
>
>
> Yung crush mo?
>
> Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay - alembong,
> taeng-kabayo o
> biscocho?
> Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o
> kaya nougat o karamel;
>
> Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;
>
>
> Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga
> mo sa
> ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
>
> Madami pa...
>
> Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng
> daliri
> para sa sawsawan, ang palutong pag
> isawsaw sa sukang may siling labuyo, ang duhat kapag inalog sa asin,
> ang
> isa-sang isubo ang daliri kasi puno
> na ng kanin...
>
> Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
>
> Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap
> ka
> ng chalk kasi tinagusan ang palda
> mo sa eskwelahan.
>
> Lipstick mo ay papel de hapon; Labaha ang gamit para sa
> white-side-wall
> na gupit;
>
> Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda
> at
> kumot; madumi ang manggas ng damit mo
> kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba?
> Pwede rin sa laylayan...
>
> May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung
> Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
>
> Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
> Wala nag sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
> Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
>
> Di ba noon...
>
> Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito? Ito
> ba
> o ito?" Pag ayaw ang resulta
> di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
>
> Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
> carabao batuten...
>
> Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
> Masaya na tayo basta sama-sama kahit
> hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may
> oras
> tayo sa isat-isa;
>
> Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa
> pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
>
> Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang
> tinatawag
> natin pag napapa-trouble tayo.
>
> Di natutulog si Inay, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron
> tayong
> skyflakes at Royal sa tabi.
>
> Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
> Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
> Nasa iyo ang susi... paki-buksan lang kaibigan...
>



from. email...

No comments: