hanggang ngayon ay hindi ko alam kung tungkol saan ang isusulat. hindi ako isang natural na manunulat. wala akong talentong panliteratura ngunit heto ako at may blog at nagsusulat. maraming bagay ang nasa isisp ko ngayon. ang mga araw na nagdaan ay aking ibinubuno sa mga walang kwentang bagay. oo, walang kwenta, dhil walang pasok ay wala akong magawa at maatupag. kapag bakasyon, nawawalan ako ng silbi sa sarili. hindi ko alam kung ano ang aking pweding gawin, dahil hindi naman ito importante. hindi tulad kapag may pasok ay marami akong pweding gawin.
sa totoo lang, mas gusto ko pa ang mga araw na nagdaan. noong may pasok. kasi marami akong nagagawa. hindi lang ako nandito sa bahay, nakatunganga at hayok sa pag alis. kapag may pasok ang mga estudyanteng katulad ko ay may regular na income. yung baon natin. pero ngayon...hay naku. masaya kana kapag may 50 ka. kaasar. ang hirap ng pera pag bakasyon.
hindi lang pera ang issue. ang mga kaibigan at kamag aral mo ay maaalala mo din. kahit na sabihin mong ayaw mo ng mag aral, kesio ang hirap at nakakatamad, kapag nawala na itong mga regular mong ginagawa ay malulungkot ka din. ang mga nakagawian mong gawin. kahit na hindi mo sabihin, namimis mo din ang iyong paaralan.
ang aking paaralan. noong HS ako, mabuting estudyante ako. minsan nagwewelga at rebelde laban dito ngunit ito makatwiran. ngunit ngayon gusto kong sumigaw na bakit??!!! nagpunta ko doon. nagtanong ako kung nasan na ang aming class picture noong akoy ikaapat na taon at annual/ yearbook namin. pucha!! ang class picture daw namin ay nawala. ano?! pasaway ha. puta. anong nangyari. ano ba naman yung maglilitratong iyon. winawala. ang ganda pa naman nun. kaasar talaga.. sabi ko nga bakit ang malas namin? sa amin pa nangyari ito. marami din naman kaming nagawa para sa aming inang paaralan ah. wala silang maitulak kabigin samin. kahit ganito kami ay kami ay responsable at marurunong. eto pa, ang aming annual?? isasabay daw sa batch na ito. ano?! puta dual na iyo hindi na annual. bakit ganon? may nangyari kasing anomalya sa paaralan ko dati. malaking problema kaya daw hindi naasikaso. pero itoy hindi makatwiran para sa amin. nagbayad kami. excited na akong makita ang mga pictures namin doon. ang mga alaala. mga larawang sumaksi sa mga panalo at bagyo na pinagdaanan ng batch namin.
aba! hindi ko namanlayan ay nakapagsulat na ako ng isang artikulo. wala man itong kwenta ay at least ay naibahagi ko sa inyo ang aking buhay. mabuhay tayong lahat.
No comments:
Post a Comment